Di naman siguro
ako naligaw;
ginusto ko rin to
na mag-ekspres ng damdamin
sa mga makatang di kakilala,
at malamang di rin magkikita.
Di ako sanay
magsulat ng tula
para sa iba.
At ikaw naman,
dahil sa tabas ng yong dila,
sa kulay ng buhok at balat,
sa bandilang pinupugay...
Sa mga soap opera
na inaabangan,
videokeng tambayan,
at dahil kababayan
mo rin si Pacquiao,
at dahil mahilig ka rin
mag-text...
Cg n nga.
Melanie Agua
http://www.poemhunter.com/poem/para-kay-scarlet-red/