Surprise Me!

Jhane Reyes - Alaala ng Mailap na Pag- Ibig

2014-11-08 103 Dailymotion

Ang akala ko noo’y simpleng paghanga
Ang nadarama ng pusong bata at mura
At sapat na ang siya’y makita
Na agad nagdudulot ng sigla’t saya

Sa mga matang nakakahilo ang titig
Sa matamis na ngiting nakakakilig
Sa tainga’y musika ang malambing na tinig
Nagbibigay sigla sa aking daigdig

Maraming taon na hindi nasilayan
Aking akala siya’y nakalimutan
At nabura na sa puso’t isipan
Kasama ang mga alaala ng masayang nakaraan

Ngunit di sinasadyang kami’y pinagtapo
Ako’y natulala’t bumilis pintig ng puso
Hindi akalain may paghanga pang nakatago
Nanatili’t hindi pa naglalaho

Hindi ko mawari kung siya’y may pagtingin
Ang sabi ng iba’y may lihim na damdamin
Ngunit puso ko’y nagdududa baka di seryosohin
Paglaruan lang at ako’y paluhain

May nagsasabing siya’y alangan
Sapagkat ako’y may pinag aralan
Siya’y hindi tapos at may bisyong alam
At may pagkapalikero rin katangian

Ganun man wala akong pakialam
Pagkat ang aki’y paghanga lang naman
Ngunit kalokohang aminin ako’y umaasam
Na tunay na pagtingin ang sa aki’y laan

Nagising isang araw at namulat sa katotohanan
Na sa aming dalawa’y mailap ang kapalaran
Kahit may panghihinayang na naramdaman
Kahibangan ko’y dapat nang wakasan

Jhane Reyes

http://www.poemhunter.com/poem/alaala-ng-mailap-na-pag-ibig/