Surprise Me!

Obed dela Cruz - Kulay

2014-11-10 3 Dailymotion

Ang dami nang tao
Sa buhay ay nahilo.
Nakikigaya sa iba.
Ginawa pati masama.

Dahil sikat sya,
Lahat, sya’y ginaya.
Gayahan na lang ba?
May kulay pa ba?

Sa akin, di ko hahayaan
Na mawala ang kabuhayan.
Hindi mawawala ang aking kulay.
May rason kung bakit buhay.

Tayo ay magkakaiba,
Pero dapat nagkakaisa.
Hindi dapat mawala
Sa landas na tama.

Ang kasalanan
Ay dapat iwasan.
Tayo’y maghimagsikan
Upang bigyan ang mga nawalan.

Alising ang kahirapan
Gamit ang kasipagan.
Sa Diyos tayo’y tumawag
At sumpain ang Diyos ay huwag.

Sa mga Pilipino
At sa lahat ng mga tao,
Makinig sa sasabihin ko,
Kabutihan ang dapat na trabaho.

Ang mga iba pang dayuhan,
Ay nagsisiyaman.
Dapat tayo naman
Ang makatikim ng yaman.

Halina’t tumayo!
Kayo’t ako,
Ay dapat magtulungan
Para sa perlas ng silanganan.

Huwag ibasura
Itong tula,
Kundi hayaan kausapin
Ang inyong puso’t damdamin.

Tandaan nyo,
Na marami nang tao,
Ang lumaban
Para sa inyong kalayaan.

Hahayaan mo bang mabaliwala
Ang mga kabutihang gawa
Na ibinigay ng iba sa iyo?
Sana, huwag magsayang at magpaloko.

Mga tao, huwag bastusin
And lumikha sa atin.
Huwag mawala ang inyong lasa.
Mahalin ang sarili at mga masa.

Huwag hayaang mawala ang kulay,
May rason kung bakit nabubuhay.
Oras nang muli
Upang bumangon at itama ang mga mali!

Tara na!

Obed dela Cruz

http://www.poemhunter.com/poem/kulay/