950 na bag ng radioactive waste sa Fukushima, hinayaan lang sa mga playground!
May radioactive waste na naiwan nang walang nakaharang o nakabantay, sa Fukushima.
May siyam na daan at limampung bag ng radioactive na basura ang nakalagay sa labas ng limang housing estates sa Shirakawa. Nagreklamo sa gobyerno ang mga residente, pero hindi sila nakakita ng resulta.
Ayon sa national safety standards sa Japan, ang radioactive na basura ay nakabakod, at tinakpan ng putik para hindi mahawa ang mga dumadaan na tao.
Pero ang radiation levels kung saan nakalagay ang mga basura ay samung beses na mas mataas sa pinakamataas na readings na papasa sa national safety standards!
Ang mga local na kompanya na kinontrata para ayusin ang mga basura ay sadyang hindi ginawa ang kanilang trabaho, at ngayon ay inilalagay nila sa delikadonh sitwasyon ang mga residente.
Buti na lang ay mabilis silang kumilos nang ibinulgar ng mga reporter ang sitwasyon na ito. Pero marami pa rin ang natatakot at nag-aalala para sa kanilang kalusugan at kaligtasan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH