Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, June 20, 2025
-77-anyos na lola, pilit isinakay sa kotse at ninakawan umano; aabot sa P100,000 na halaga ng alahas at pera, natangay
-Ilang estudyanteng stranded sa baha, tinulungang makatawid sa ilog/Ilang motorista, nakaranas ng mababang visibility dahil sa ulan at hamog/Biyahe ng ilang motorista, naantala ng gutter-level na baha/Punong natumba dahil sa hangin at ulan, humambalang sa kalsada; kubo, wasak matapos tamaan ng kidlat
-PAGASA: Easterlies, nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa; ITCZ, umiiral sa Palawan at Mindanao
-OFW sa Israel, ibinahagi ang tinutuluyang bomb shelter tuwing may missile alert/DMW: Mga bagong hire na OFW, hindi muna papayagang magpunta sa Israel; deployment ban, ipinatutupad din sa Lebanon
-DOTr: 50% discount sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2, epektibo simula ngayong araw
-Empleyado ng City Hall, pinagpapaliwanag matapos manghampas at makipagsuntukan sa nakaaway niyang rider
-Rider at kanyang angkas, tumilapon matapos mabangga ng naka-motorsiklong menor de edad/Mga biktima, hindi na nagsampa ng reklamo laban sa menor de edad
-Lalaking bumaril umano sa isang singer, arestado; itinatanggi ang paratang
-Ilan pang paketeng may Chinese characters at may laman na hinihinalang shabu, narekober sa dagat sa Cagayan
-Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, biyaheng abroad para i-shoot ang ilang eksena sa Kapuso action series na "Sanggang-Dikit FR"
-VP Duterte at ilang opisyal ng OVP at DepEd, binigyan ng 10 araw ng Ombudsman para sagutin ang mga reklamong inihain ng Kamara
-Grupo ng mga kabataan, nambugbog dahil umano sa selos; 3, sugatan
-Alyas "Totoy" na isa sa mga akusado: Isa sa mga nawawalang sabungero, dinukot dahil umano sa pamimirata ng online sabong broadcast/NBI at PNP, bibigyan ng proteksyon si Alyas "Totoy"/DOJ: Kailangan ng mga eksperto para kumpirmahain na ibinaon sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero/Kaanak ng mga nawawalang sabungero, nanawagan ng tulong sa pamahalaan/9 na akusado sa pagkawala ng 7 sa 34 na sabungero, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa
-CCTV footage ng pamamaril sa isang aso sa loob ng Central Philippine University, hawak na ng pulisya
-Lalaking installer ng internet, sugatan matapos makuryente
-Nimbus variant ng Covid-19, kumakalat sa ilang bahagi ng U.S.A., Australia at Southeast Asia; wala pang namo-monitor sa Pilipinas, ayon sa DOH
-Kylie Padilla, inaming nanghihinayang siya sa pagkawala noon ni Amihan sa "Encantadia"/"My Father's Wife," mapapanood na sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes/Kylie Padilla, inaming in a relationship siya
-Aso, nakisaya sa marathon kahit inulan
-Kotse, tumagilid matapos bumangga sa paanan ng flyover; driver, nakaidlip umano habang nagmamaneho
-Big-time oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-INTERVIEW: ADIR. RODELA ROMERO
DOE-OIMB
-Tricycle driver, patay matapos mabangga ng SUV
-P204M halaga ng umano'y shabu na nakasilid sa isang mal