Aired (November 29, 2025): Na-diagnose si Jocelle na may Berger's disease, isang autoimmune disease na nakapipinsala sa kidney o bato. Makalipas ang tatlong taon, 431 dialysis sessions at tatlong denied transplant, dumating ang bagong pag-asa. Ang kanyang bunsong kapatid kasi, perfect match pala sa kanya. Kaya ang regalo ni bunso, isa niyang kidney na magbibigay ng bagong buhay kay ate.
Samantala, ang 11-anyos na si Paolo, hindi nakakalakad at hirap magsalita dahil sa kanyang cerebral palsy. Pero ang kanyang 69-anyos na lola, nagsisilbi niyang lakas para mabuhay. Ang lola kasi, araw-araw na binubuhat at hinahatid ang apo sa paaralan. Ginagawa niya ang lahat para makapamuhay si Paolo gaya ng ibang bata. Panoorin ang video. #GoodNews